
Hindi na naitago ng aktres na si Janine Gutierrez na maging fangirl nang magpa-picture siya sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
Sa IG ng segment producer na si Darla Saule, ipinakita ang isang video kung saan ay makikitang nahihiya pang lumapit si Janine kay Sarah.
Caption sa post ni Drala, "Janine Gutierrez fangirling over Sarah G!"
Mapapanood din sa video na may ilang staff pa ang nagkukumbinsi sa kanya na lapitan na ito habang inaayusan ang singer sa stage.
Pati ang aktres na si Maymay Entrata ay tumulong nang ilapit si Janine.
Sabi pa ng aktres sa video, nagkakilala na sila ng singer at gusto na lamang daw niyang magpa-picture.
Dahil diyan ay libo-libong netizens ang natuwa sa napanood nila at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.
Kamakailan lang ay muling bumalik sa pagpe-perform si Sarah matapos ang ilang taong pagpapahinga sa showbiz at music industry.
Nagtanghal siya ng isang song-and-dance number sa weekend variety show na "ASAP Natin 'To" na kung saan ay pinerform niya ang bagong kanta na "Dati-Dati."