
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nangangamba na naman ang ating mga kababayan lalo na ang mga tsuper ng bus at pampasaherong jeepney dahil nakaamba na namang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo matapos ang apat na linggong sunod-sunod na rollback.
Inaasahang sa susunod na linggo ay posible umanong magkaroon ng P1.40 hanggang P1.60 na dagdag-presyo sa bawat litro ng diesel.
Pero mas maliit naman sa gasolina na maaari umanong umabot lang sa P0.10 hanggang P0.30 per liter ang maging pagtaas sa presyo.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, mayroon silang nakikitang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Dagdag pa niya, posibleng hindi umabot ng 50 sentimos ang price hike per liter sa gasolina, at higit P1 per liter naman sa diesel.
Maaari din umanong umabot sa P1 per liter ang madagdag sa presyo ng kerosene.
Ang pagbubukas ng ekonomiya ng China at pagtaas ng demand sa langis ang isa sa mga nakikitang dahilan sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Nitong nakaraang Martes, umabot sa P3.40/L ang natapyas sa presyo ng diesel, P1.70/L sa gasolina, at P4.40/L sa kerosene.
Halos hindi nagtagal ang pahinga sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil heto at may panibago na namang pagtaas na inaasahan.
Ang magagawa na lamang siguro ng ating mga kababayan ay maghigpit na naman ng kanilang mga sinturon, lalo na at ilang araw na lang ay Pasko na.
Sana lamang talaga ay makamit na natin ang tuluyang pagbaba ng presyo ng langis para magtuloy na ang pag-unlad ng lahat.