
Trending ang eksena ng aktres na si Heaven Peralejo at Ian Veneracion para sa pelikulang "Nanahimik ang Gabi" kaya naman natanong ang dalaga kung ano ang masasabi niya kaugnay rito.
"Umingay nga po, wala na ako masyadong marinig sa sobrang ingay. Pero I'm thankful na umingay kasi iyon talaga 'yung kailangan para maraming manood. Kaya I'm happy na kahit konti lang 'yung scene na nakita n'yo ang lakas ng tensyon at hindi naman sobrang (bold) na kailangan kita lahat para magkaroon ng init,"sabi ni Heaven.
Sundot na tanong sa aktres ay "sana all" at masarap ba humalik si Ian.
"Tanungin n'yo siya kung masarap ba ako humalik?" tumawang sagot ng dalaga.
Pero iginiit kung paano niya ilalarawan ang paghalik ni Ian lalo na nu'ng tinali siya.
"As Me-ann ako sumasagot sa inyo, huh. I think, yes..okay siya (Ian), ha, hahaha," tawa ulit nang tawang sabi ni Heaven.
Pero inamin nitong may mga limitasyon siyang ibinigay kay direk Shugo pagdating sa mga ganitong eksena.
"Opo, maraming limitations siguro 'yung sa pakita (parte ng katawan), the way it will be shot. So, ang nangyari before sumabak sa film shooting, lahat per scene, per scene. Lahat 'yan may shots na, so, makikita ko na kung anong klaseng shot 'yung gagawin as in may graphics na parang anime na yung mukha namin nandoon sa nakikita namin kung anong (style) shots ang gagawin. Ganu'n sila ka-respeto sa akin, nakakatuwa," sabi ni Heaven.
Unang beses kasing ginawa ito ni Heaven sa career niya ang magpa-sexy, love scenes at kumandong sa leading man niya.
"Oo nga, pero kung iisipin ko 'yun, hindi talaga iyon magagawa ni Heaven. Ang galing lang kasi sobrang na-immerse rin ako do'n sa the whole lock in to the extend na nakalimutan ko si Heaven," sabi ng dalaga.