Arci Muñoz, napi-pressure

Inamin ng aktres na si Arci Muñoz na nakakaramdam siya ng pressure lalo na nang gampanan niya sa isang mini-series ang inspiring na buhay ng 25-year-old founder and chief executive officer ng Brilliant Skin Essentials, isang Pinoy beauty and cosmetic brand, na si Glenda Victorio.
"Naka-relate po ako kay Miss Glenda kasi pareho kaming very persistent," sabi ni Arci. "And hindi talaga kami susuko hangga't hindi namin nakukuha 'yong gusto namin."
Ang kaibahan lang daw ay napaka-batang nakuha ni Glenda ang tagumpay at bilib siya sa kung paano nito nalagpasan ang mabibigat na pinagdaanan. Bukod pa roon, pati sa buhay pag-ibig at pagpa-pamilya ay matagumpay ito. At wala pa siya doon.
"'Yong nakita ko sa kanya, it's very inspiring kasi ako at the age of 34… She's just 25, by the way. So, I'm at my age where I should be like at the standard age of settling down. And they're like… some people were asking me, 'Ano ba 'yan, Mona? Ang tanda mo na,'" sabi ni Arci.
"Pati tuloy ako, sabi ko, 'Maglagay na ba ako ng pressure sa sarili ko?' And when I did her life story, I was like, 'Hala! Oo nga. Dapat may pressure na ako sa buhay ko," dagdag niya.
Ganu'n pa man, mas lamang sa kanya ang pagiging inspired kesa pressured dahil sa mga natutunan n'ya sa buhay ni Glenda.
"So, mostly, sa trait na 'yon mas nakaka-relate ako kasi ngayon mas inspired ako, na hindi naman talaga sa age 'cause I know I can still do a lot of things, I can do better," sabi ni Arci.
Makakasama ni Arci sa four-part miniseries na ito sina JM de Guzman, Eli Padilla, Karen Reyes, Marc Santiago, Hannah Lopez Vito, Lui Manansala, at Axel Torres.
