Kinarkar no lolo
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang batang babae sa Davao City na ginahasa, pinatay at itinapon sa sapa ng sarili niya umanong lolo nitong Biyernes.
Sa ulat ng Eden Police 19, natagpuan ang bangkay ng biktimang 12 years old na hubo't-hubad, sa isang sapa na ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay.
Kinilala naman ang suspek na mismong lolo nitong si Erinio Limocon Ado, 60, kapwa residente ng Sibulan Toril.
Sa salaysay ng ilang mga saksi, ang suspek ang nakitang kasama ng biktima nang huli itong makitang buhay.
May nakapagsabi na ang suspek na ama ng ina ng biktima ang mismo nakitang nasa may sapa nang kasadsarang pinaghahanap ang biktima.
Agad namang naaresto ang suspek na, bagamat hindi pa inaamin ang karumal-dumal na krimen, ay hindi rin niya ito itinatanggi.
Nahaharap ang matanda sa kasong rape with homicide.
