‘Iwas putok’


Sa pagsapit ng Kapaskuhan, hindi maiiwasan na magdiwang ang ating mga kababayan na mayroong pag-iingay o paggamit ng mga fireworks upang mapaganda ang pagsalubong na rin sa Bagong Taon.
Bagama't alam naman ng lahat na may panganib pa ring dulot ang paggamit ng mga paputok, may mga ilan pa rin ang hindi umaalintana rito.
Kaya naman muling nanawagan ang Department of Health (DoH) nitong Biyernes sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok para sa ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay DoH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring magdulot ng injury ang paputok, lalo sa mga kabataan.
Sa halip na gumamit ng paputok, mas mainam aniyang magpatugtog na lang at magpailaw.
"We welcome New Year safely. Ibig sabihin, walang injuries, walang mao-ospital dahil sa paggamit ng firecrackers," saad ni Vergeire.
Apat na malalaking ospital sa Metro Manila ang iikutan ng DoH sa Disyembre 29 para tiyakin ang paghahanda sa pagtanggap ng mga madadalang firework-related injuries.
Kabilang na rito ang Las Piñas General Hospital & Satellite Trauma Center, Jose R. Reyes Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center, at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.
Mula Disyembre 21, 2021 hanggang Enero 1, 2022, may 85 na firecracker related-injuries na naitala ang DoH.
Kaya paalala lamang sa ating mga kababayan, kailangang maiwasan ang mga aksidente sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sayang naman kung ang dapat na masayang pagsalubong sa 2023 ay mapalitan ng trahedya.
Before politics, the pressures of public life, and the Presidential Palace, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. remembers a…
When a Tennessee woman was sentenced to death in 1996 for murdering a 19-year-old student the year before, she remained…
Records from the Anti-Money Laundering Council (AMLC) showed that Cale88 Foods Corp., a firm linked to Vice President…