Sunshine Cruz, magpapa-sexy uli?

Mukhang babalik na naman sa pelikula ang aktres na si Sunshine Cruz at talagang balik na rin yata siya sa pagpapa-sexy dahil napapayag ng Vivamax ang aktres na sumabak uli sa mga love scenes kahit na nga dalaga na ngayon ang tatlo niyang anak na puro babae.
Swerte si Sunshine ngayong 2022 dahil sunud-sunod ang kanyang trabaho at isa rin siya sa iilang celebrities na nakakagawa ng proyekto sa iba't ibang TV network.
Very soon ay mapapanood na uli ang aktres sa latest GMA drama series na "Underage" na pagbibidahan ng mga promising Sparkle artists na sina Elijah Alejo, Lexi Gonzales at Hailey Mendes.
Nakatapos na rin siya ng tatlong pelikula — ang "Pamilya sa Dilim" at "Greatest Performance of My Life" under the direction of Jay Altarejos at ito ngang "An Affair to Forget" sa direksyon ni Louie Ignacio na mapapanood na very soon sa Vivamax.
Ayon kay Sunshine, wala naman daw issue sa kanya kung magpaseksi siya uli sa pelikula o teleserye basta ang mahalaga maganda ang materyal at matsa-challenge siya.
"Actually, itinago pa nila sa akin na Vivamax pala ito. Sabi ko, wala namang problema kasi when I read the script by Quinn Carrillo, maganda siya kaya nagustuhan ko talaga. I play a hotshot lawyer and it's a new challenge for me kasi first time kong gumanap na isang abogada. Nag-nose bleed lang ako kasi ang daming lines in English. But trabaho is trabaho and this is a blessing. Also, this is with Viva, where I did a lot of films like 'Ekis', 'Bullet' at 'yung di natapos na 'Dukot Queen', so bale comeback ko rin ito sa Viva," saad ni Sunshine.
"Okay lang naman sa akin because I did a movie for Cinemalaya na cougar ako, 'Malampaya'. And my daughters found it cool. Ito nga, nakita pa lang nila ang poster sabi nila, 'Mama, you're hot!' Dito sa 'An Affair to Forget', I trusted Direk Louie Ignacio and in fairness, hindi niya ako pinabayaan. First shooting day ko, love scene agad at nakita ko sa monitor, maganda namang lumabas 'yung sexy scene with Allen (Dizon). Maayos tingnan," pahayag ni Sunshine.
