Solenn Heussaff, nanganak na

Inihayag ng asawa ng aktres na si Solenn Heussaff na ipinanganak na ng aktres ang kanilang second baby.
Sa isang Instagram video ay makikitang tila nasa isang hospital room si Nico Bolzico at nakasuot pa ng personal protective equipment at inilarawan pa niya ang kanyang mag-ina na malusog.
"What a crazy day today! Argentina qualified to the finals with [Lionel] Messi playing a great game, and we just had a super healthy baby girl," saad ni Nico sa IG post at ipapakilala na nila ang kanilang ikalawang anak sa ate nito na si Thylane.
"I let her mama to introduce her later, but one thing is confirmed, her second name is 'Lionel.'"
Para sa kaalaman ng marami, ang tinutukoy na pangalan ni Nico sa kanyang post ay ang Argentinian professional footballer na si Lionel Messi na namuno sa koponan ng kanyang bansa sa semifinals upang makuha ang finals slot sa World Cup.
Ilan lamang sa mga celebrities na bumati sa mag-asawa ay sina Vanessa Matsunaga, Iza Calzado, Bea Alonzo, at marami pang iba.
Nitong Hulyo nang inanunsyo ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng second baby.
Ang gender reveal ay nakumpirma noong Setyembre.
Taong 2016 nang ikinasal sina Solenn at Nico.
Taong 2020 naman nang isinilang nila ang kanilang first baby na si Thylane.
