
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Ngayong Kapaskuhan, sunod-sunod na naman ang mga party kung saan hindi maiwasang mag-ingay ng mga kapitbahay, lalo na sa videoke dahil kung iisiping mabuti, maraming Pinoy talaga ang mahilig sa kantahan.
Pero kasabay nito, dapat ay maging considerate naman ang ating mga kababayan pagdating sa mga ganitong bagay, dahil ayon sa batas, may karapatan ang bawat tao na maging malaya mula sa mga bagay na makasisira sa kaniyang kapayapaan o makasasama sa kaniyang kalusugan, mapa-pisikal man, mental o emosyonal na kalusugan.
Sa ilalim ng Article 694 ng Civil Code, ipinaliwanag ang "nuisance" bilang kahit anong nakasisira sa kalusugan ng ibang tao o "annoy" o "offend" sa "senses."
Ayon naman sa Article 682 ng Civil Code, ang lahat ng mga nasa property o gusali, may-ari man o mga nakatira, ay may responsibilidad na siguruhing walang ingay, amoy, usok, alikabok, tubig ang lalabas na makakapinsala o irita sa iba pang property.
Kasama sa nuisance o istorbo sa libreng pagdaan ng publiko ang mga kasiyahan na maraming imbitadong kaibigan kung saan pati tapat ng kapitbahay ay ginawang lugar ng party.
Kung may problema dahil sa pag-iingay o ano pa mang nakakaistorbo, dapat itong daanin ng magkakapitbahay sa magandang pakiusap.
Kung hindi maawat ang "nuisance" na kapitbahay na nag-iingay araw-araw o disoras ng gabi at may pasok pa sa eskuwela o trabaho kinabukasan, maaari na itong i-report sa barangay.
Obligasyon naman ng mga lokal na opisyal na tugunan ang mga problemang magkapitbahay at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan.
Kung hindi mareresolba sa antas ng barangay, maaari nang dumiretso sa pulis para ipa-blotter ang unjust vexation.
Kaya paalala sa ating mga kababayan, hindi naman masama ang makisaya lalo na at Pasko, pero sana ay maging mapag-konsidera tayong lahat upang masigurong hindi magkakaroon ng sigalot o awayan dahil lamang sa kantahan.