
Hindi maikakailang talagang sizzling ang mga eksena ng aktres na si Heaven Peralejo at beteranong aktor na si Ian Veneracion sa kanilang mga intimate scenes sa pelikulang "Nanahimik Ang Gabi" na isa sa official entry sa Metro Manila Film Festival 2022.
Ayon kay Ian, wala siyang naramdamang hesitation mula sa dalaga nang kunan na ang kanilang mga maiinit na eksena.
"Hindi, e. Wala. Nasa mode ako nu'ng Chief, e. So, yung character ko, medyo dark talaga na malisyosong ano, e… So, wala. Kahit kumandong siya or ano, nandu'n din ako sa mode na in character din, e. Saka siya, kumakandong naman siya not as Heaven, e. Nakikita ko, si Me-ann. Yun, sakto sa karakter niya. Kaya din siguro wala kaming ilangan. Kasi alam namin, malinaw sa amin pareho, we're both in character," sabi ni Ian.
"Actually, sexy yung movie in terms of psychological. And yun nga, it's medyo twisted in many ways. Kita niyo naman yung handcuffs, yung mga ganu'ng scenes, saka yung mga swimsuit scenes ni Heaven. Nakaka-excite kung ano ang magiging reaction ng mga manonood. Pero yung iba kasi, parang halu-halo, e. Yung iba, puwede mong isipin, 'Ay! Naku, they're promoting sex!' Yung others naman, sasabihin nila, 'Oh, it's good, they're pointing out certain things na mali sa society.' Yung ganu'n. So, iba-iba sila. Until mapanood nila yung buong pelikula, saka lang natin makikita yung feedback," dagdag pa niya.
Inamin naman ng aktor na tuwang-tuwa siya na nakapasok uli siya ng sinehan kung saan ginanap ang mediacon at special preview ng "Nanahimik Ang Gabi".
"Matagal akong hindi nakapasok sa sinehan. Iba pa rin talaga pag ganyan ka-big screen kahit na snippet lang ang pinanood natin.
"Parang nakakatuwa lang na eto, ganito, ang dami natin dito sa loob uli ng sinehan. And hopefully, mag-translate iyon sa Metro Manila Film Fest na magbalik-sine ang mga tao talaga. Kasi, iba! Iba talaga pag big screen," sabi ni Ian.