
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Naghahanda na ngayon ang iba't ibang mga simbahan sa Kamaynilaan para sa pagdaraos ng tradisyunal na Simbang Gabi ngayong mas maluwag na ang mga health at safety protocols sa COVID-19 gaya nang pagsusuot ng mask.
Kabilang rin sa paghahanda ang Manila Police District, kung saan ang mga tauhan nito ay nagpipintura na ng mga physical distance markings sa Plaza Miranda sa tapat ng Quiapo Church at ikinakabit na rin ang mga Christmas decor.
Abala na rin ang mga tauhan sa paglilinis, pagpapalit ng markings at pagukumpuni ng mga CCTV.
May misa sa Quiapo Chuch simula alas-4 at alas-5 ng madaling araw at alas-7 at alas-8 ng gabi ng Disyembre 16 para sa Simbang Gabi.
May schedule din ng misa ng alas-7 at alas-8 ng gabi ng Disyembre 15.
Maglalagay din ng magkaibang entrance at exit para hindi magkumpulan ang mga deboto.
"Required po ito kahit sinabi ng ating national government na hindi na tayo required o hindi na mandatory sa mga pampublikong lugar kahit po sa pagsisimba e minabuti at pinagpasyahan na rin namin na mas ligtas naman kahit may face mask," saad ni Rev. Fr. Earl Allyson Valdez, Attached Priest, Quiapo Church
Puspusan na rin ang paglilinis at pagdisinfect sa Nuesta Senora De La Soledad de Manila Parish sa Binondo.
Bagama't hindi na maghihigpit sa physical distancing, paiiralin ang pagsusuot ng face mask sa loob ng simbahan.
Plantsado na rin ang security plans ng MPD para sa Simbang Gabi.
"'Yung buong pwersa ng pulis maynila ay idedeploy natin sa kalsada at doon sa places of convergence. Ngayong simbang gabi siyam yung na madaling araw makikita ang ating mga pulis na nsa paligid ng simbahan sila po ang mgababantay at handang magbigay ng kanilang assistance," saad ni MPD director Andre Dizon.
Nagpaalala din si Dizon na dapat maging alerto sa mga modus ng kawatan.
Paalala naman ni Valdez na kasabay ng pagkumpleto ng siyam na misa ay ang pagdarasal at pagninilay ngayong Kapaskuhan.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…