Labi ng OFW mula Qatar, naiuwi na


Dumating na sa Pilipinas ang labi ng overseas Filipino worker na namatay habang nagtatrabaho sa lugar na pinagdadausan ng World Cup sa Qatar.
Sinabi ni Undersecretary Eduardo de Vega ng Department of Foreign Affairs (DFA) na noong Disyembre 9 nang iuwi sa Pilipinas ang bangkay ni Alexander Pabustan na taga-Sta. Ana, Pampanga.
"Na-repatriate na po yung bangkay 'no, taga-Pampanga po, may biyuda siya dito," saad ni De Vega. "First of all dinaramdam namin yun, yung nangyari po. Aksidente yung nangyari kasi ayon sa pamilya,–may bayaw siya eh, may bayaw siya, nasa Qatar din–meron siyang heart condition. Kaya nagka-heart attack tapos bumagsak siya, habang nagtatrabaho sa tabi ng forklift."
Ayon pa sa opisyal, patuloy pa rin ang imbestigasyon para malaman kung dapat managot ang employer ni Pabustan.
"Kasi ang problema po, may nalabag yung safety protocols kasi kailangan nakasuot siya nung helmet, baka hindi binigyan ng helmet ng kanyang kumpanya, proteksyon sa ulo," saad ni De Vega.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…
"So kaya ngayon, sabi po ng mga taga-Qatar, pamahalaan ng Qatar iniimbestigahan nila at alinsunod sa kanilang pagsisiyasat, kung anong nangyari, maaaring mananagot yung kumpanya kung labag sila sa batas," dagdag niya.
Sinabi rin ng DFA official na nakahanda ang kanyang tanggapan sa DFA na tumulong sa pamilya ni Pabustan sakaling kailanganin nila ito.