SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Dapat pag-isipan

Dapat pag-isipan
Published on

Naging kontrobersyal na naman ang Social Security System (SSS) nitong nakaraan nang malaman na sa ahensya kukunin ang pondo na gagamitin ng ipinanunukalang Maharlika Fund.

Ang proposal na ito ay sinalubong ng samu't saring oposisyon dahil nga naman hindi biro ang perang makukuha na ilalagay sa Maharlika Fund na mula naman sa bulsa ng ating mga manggagawa at mga mamamayan na miyembro ng SSS.

At ngayon naman, may mga lumulutang na panukala na dadagdagan ang kontribusyon ng mga miyembro nito, kaya umapela na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Employers Confederation of the Philippines ukol sa dagdag-kontribusyon ng SSS na umano'y "wala sa oras."

Ayon kay ECOP president Sergio Ortiz Luis, "bad timing" ang dagdag-kontribusyon dahil sa inflation na nararanasan ng bansa. Aniya, dapat magkaroon ng kaunting extension o postponement sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS.

Dagdag pa niya, maraming microbusiness ang iinda sa dagdag-kontribusyon at nakakapanghina ng loob para sa mga employer at investor ang patung-patong na dagdag sa kontribusyon.

Sinabi pa ni Luis maraming hindi pa nalulutas na mga isyu ang PhilHealth kaya hindi dapat na magtaas sa kontribusyon ng mga miyembro ng SSS.

Samantala, sinabi naman ni Trade Union Congress of the Philippines secretary general Arnel Dolendo, hindi napapanahon ang pagdadagdag kontribusyon dahil mataas ang inflation at mababa ang purchasing power ng mga manggagawa.

Ayon sa kanya, lalong hihirap ang buhay ng mga manggagawa kung ngayon itataas ang kontribusyon.

Sana nga ay matugunan ng pamahalaan ang problemang ito, dahil hindi birong pera ang inilalaan ng mga miyembro ng SSS para sa kanilang mga kinabukasan.

Dapat ay mapag-aralan pa ito ng mabuti.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph