
Inamin ng aktres na si Bea Alonzo na talagang paborito niya ang Pasko kaya kapag sumasapit na ang "Ber months" ay looking forward na ang dalaga sa pagdating ng December dahil nga ito na ang simula ng Christmas season.
Sabi ni Bea, mas lalo siyang sumasaya at mas nagiging inspired kapag nakakarinig na siya ng Christmas carols at mga bonggang dekorasyon.
Sa isang episode ng "Sarap, 'Di Ba?" ay natanong ni Carmina Villarroel kung ano ang plano niya ngayong darating na Pasko. Sey ng aktres, dito siya magpa-Pasko sa Manila.
"Kasama ko 'yung family ko. Mag-Christmas kami baka dito kami sa Manila na," saad ni Bea. "Mahilig kasi ako mag-ayos ng bahay tuwing Pasko. Super big deal sa akin. Maabala ako, isa akong hermana mayor."
"Favorite ko talaga ang Pasko more than my birthday. Parang lahat sini-celebrate ninyo at walang trabaho lahat ng tao," dagag pa niya.
Samantala, hindi pa rin nauubusan ng plot twists ang GMA primetime series na "Start-Up PH" lalo na sa huling dalawang linggo nito.