Kinulata ng saksak ng sariling mister ang isang ginang sa Bombon, Camarines Sur, matapos ang mainit na pagtatalo tungkol sa pera nitong Lunes.
Higit sampung saksak ang tinamo ni Manilyn Boaquiña (32, dating OFW) sa iba't-ibang bahagi ng katawan, sa kamay mismo ng asawang si Salvador Boaquiña (41).
Sa ulat ng Bombon Police, dakong 9 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob mismo ng silid ng dalawa sa Barangay Siembre.
Bigla na lamang umanong nagtalo ang mga ito tungkol sa pera kung saan ay sinusumbatan umano ng biktima ang suspek dahil sa wala umano itong naitutulong sa bahay.
Nang marinig ang sinabing iyon ng misis, ay nagdilim ang paningin ng suspek at walang ano-ano'y kinuha ang kanyang itak saka walang habas na pinagtataga ang kanyang misis na noon ay nakahiga.
Nagawa namang maisugod pa sa Bicol Medical Center ang biktima ngunit hindi na rin ito umabot pa ng buhay.
Kusa rin namang sumuko ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…