
Inihayag ng aktres na si Kim Chiu na isa umano sa pinakamahirap na dance number ang ginawa niyang production number sa "ASAP Natin To" noong Sunday at sa kanyang IG, pinost ng dalaga ang short video ng kanyang dance number kung saan binigyan niya ng interpretation ang kanta ng The Cramps na "Goo Goo Muck".
"Isa sa pinaka mahirap na sayaw ko sa @asapofficial #Wednesdaydancechallenge. BAWAL mag SMILE!!! Thank you ASAP FAM and @dgrind_official had so much fun today!!!" sabi ni Kim sa caption.
Kung mapapanood ang video ay talagang nakasimangot pala ang dalaga.