Jessy Mendiola, nag-iingat na

Inihayag ng aktres na si Jessy Mendiola na nakalipat na sila ng bahay ng kanyang asawang si Luis Manzano bilang paghahanda para sa paglabas ng kanilang panganay na anak.
Sa kanyang vlog, ipinakita ni Jessy ang bagong bahay na nilipatan nila.
Ayon pa sa mag-asawa, kakalipat lang nila sa inuupahang bahay na mas perfect sa huli nilang tinirhan. Ito'y habang tinatapos pa ang ipinatatayo nilang dream house na matagal pa raw bago matapos.
"Actually love na love namin 'yung bahay na nilipatan namin last year. Kung matatandaan niyo, nag-house tour kami last year. As much as we loved that house, we had to move to another rental home kasi ito na nga ang aming pinakabagong blessing sa aming buhay," ang paliwanag ni Jessy na ang tinutukoy ay ang kanyang pagdadalang-tao.
Sey ng aktres at future mommy, mas safe ang bago nilang bahay para sa kanya at sa kanyang ipinagbubuntis.
Ipinakita nina Jessy at Luis sa kanilang mga tagasuporta ang dining area ng bahay, ang breakfast nook, living room, walk-in closet, at ang outdoor area na may home gym, garden, at maliit na swimming pool.
"Kaya namin nagustuhan 'yung bahay na 'to kasi sobrang simple lang din niya. At saka malinis. Well-lit din, maganda 'yung lighting sa bahay na 'to. At saka kapag lumabas ka, maaliwalas, mahangin, tahimik sa side na 'to. So talagang nagustuhan namin 'yung feel, 'yung natural juju niya. Energy, kumbaga," sabi naman ni Luis.
