
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nitong nakaraan ay napabalita na mayroong walong katao na namatay kabilang ang isang bata nang tangayin ng rumaragsang baha ang sinasakyan nilang jeep sa Tanay, Rizal.
Ang nakakalungkot lamang, galing pala ang mga ito sa pagkuha ng ayudang ipinamimigay ng Department of Social Welfare and Development.
Kaya naman nanawagan na ang ahensya sa mga sa mga kukuha ng ayuda na huwag itaya ang kanilang kaligtasan para sa naturang tulong, lalong-lalo na kung masama ang panahon.
"Sa ating mga beneficiaries o mga would-be beneficiaries, kung may nakikita tayong peligro sa papunta o pabalik galing sa ating mga payouts, wag na po sana nating ipagsapalaran ang ating kaligtasan, ang ating buhay," sabi ni DSWD spokesperson Romel Lopez.
"Huwag po tayong matatakot kung mali-late man tayo sa payout… We have this mechanism in place po para po to make sure na mapagbigyan po namin kayo kung hindi po kayo makakarating sa ating mga payout na may sapat namang dahilan," dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Lopez na pinag-iisipan na rin ng ahensya na ipagpaliban ang pamamahagi ng ayuda sa mga lugar na nakakaranas ng sama ng panahon.
"Ito pong mga payouts na ito ay hinihintay ng ating mga beneficiaries o ng ating mga clients, pero dapat din po nating siguraduhin ang kaligtasan nila, ng mga tatanggap po ng mga tulong na ito ng pamahalaan and at the same time, iyong safety rin po ng atin pong mga social worker naman na tutulong po sa pamamahagi ng mga ayudang ito," saad ni Lopez.
Nakatanggap aniya ng P20,000 na financial aid mula sa DSWD at lokal na pamahalaan ang pamilya ng mga nasawi sa aksidente sa Tanay nitong weekend.
May matatanggap namang P5,000 ang mga sugatan sa insidente, at mayroong ding psychosocial counseling.
Nakakalungkot lamang na sa pagnanais na makakuha ng tulong mula sa pamahalaan ay nauwi pa sa trahedya.
Sana nga lamang ay makagawa ng paraan ang DSWD upang masigurong hindi mapapahamak ang mga kukuha ng ayuda mula sa pamahalaan.