Carmi Martin, naimbiyerna


May inalala ang beteranang aktres na si Carmi Martin na nakaengkuwentro niyang celebrity dahil sa nakakalokang attitude nito nang magkasama sila noon sa teleserye ng ABS-CBN ayon sa kanya ay hindi niya kinaya ang ugali ng nasabing artista na bukod sa palaging late sa kanilang taping ay wala rin daw itong respeto sa mga katrabaho lalo na sa mga veteran stars.
Sa presscon ng pelikulang "My Teacher" na isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival 2022 na pinagbibidahan nina Joey de Leon at Toni Gonzaga, ikinuwento ni Carmi ang pangyayari.
"It happened a long time ago. May ginagawa akong soap sa ABS-CBN noon at ilang beses niya itong nangyari," saad ni Carmi. "Tapos nu'ng dumating siya, hindi man lang siya nagso-sorry or nagbibigay-pugay man lang sa mga beteranong artista. Isang araw, na-award ko. Sabi ko, 'ang tagal-tagal mo kanina ka pa namin inaantay.' Then sinabi niya na kasi raw dapat yung road manager dapat daw nag-report or ganito raw dapat. Tapos magkaeksena kami parang hindi ko siya tinarayan. We're just being professional sa set."
Sa tanong kung sikat pa rin ba ang nasabing celebrity, "Hindi na masyado."
Lahad pa ng aktres, ang dalawa sa mga sikreto ng kanyang staying power sa showbiz ay professionalism at pagrespeto sa oras.
"Isang secret talaga is being professional and yung pagpapahalaga sa time. Yung lost time hindi mo na maibabalik yun at dapat talaga nakikisama ka. Tama nga yung sinabi ni direk na dumating ka on time, alam mo ang dialogue mo, and role mo. Wala akong pakialam kung ano ang paglabas mo sa shooting. Pero mas maganda siyempre kung magaling kang makisama," sabi ni Carmi.
A director and filmmaker from Toronto, Canada has finally learned why he had a green spot on his left earlobe.
Cesar E.A. Virata, prime minister during the Ferdinand Marcos Sr. administration and one of the country’s…
A spokesperson for Senator Loren Legarda said the veteran senator may be talking with some colleagues to pave the way…