Sarah Geronimo, may wish


May isang hiling ang aktres at Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ngayong balik entablado siya sa "ASAP Natin 'To."
Nagkuwento rin ang dalaga sa tunay na inspirasyon sa kantang "Dati-Dati" na ayon sa kanya ay naisulat niya dahil sa naramdamang kalungkutan habang inaaalala ang dating simpleng buhay.
Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang fandom na "Popsters" dahil sa walang humpay na suporta.
"Medyo natagalan po pero nandito naman po ako. Maraming, maraming salamat po sa muling pagtanggap," saad ni Sarah.
Nang tinanong naman siya kung ano ang kanyang hiling sa darating na kapaskuhan, ang sagot niya ay makasama ang mga mahal sa buhay.
"Alam na ni Lord 'yun, ['yung] makasama ko ang mga mahal ko sa buhay habang buhay — habang ako ay nabubuhay," dagdag pa niya.
Sa katunayan ay noong Hulyo pa bumalik sa nasabing variety show ang singer pero ang lahat ng kanyang performance ay recorded lamang.
Matatandaan noong October 29 ay ibinandera ni Sarah sa kanyang Instagram ang isang open letter para sa kanyang mga magulang, manager, at sa lahat ng mga taong patuloy na nagbibigay suporta sa kanya.
Tulfo advised the prosecution panel to be more mindful of the lawyers it assigns to present witnesses to keep the…
The audit identified 366 PPE items below CoA’s P50,000 capitalization threshold, including 195 items assigned a nominal…
The attempt to sabotage a flydubai airlines flight may have been intended not only to endanger its 174 passengers but…