PBBM, DUMIPENSA SA MAHARLIKA FUND


Dinepensahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinusulong na Maharlika wealth fund at ayon sa kanya, makabubuti ito sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas dahil kung hindi ay hindi naman niya ito imumungkahi — kumpirmasyon sa naunang ulat na sa kaniya nanggaling ang ideya ng pagtatag ng pondo.
Ito ang unang pagkakataon na nagsalita ang Pangulo kaugnay sa pinagdedebatehang panukalang sovereign wealth fund ng Pilipinas at giit ni Marcos, wala siyang balak makipag-debate sa mga kritiko ng isinusulong na Maharlika wealth fund hangga't hindi pa natatapos ng Kongreso na balangkasin ang panukalang batas.
"For sure, I wouldn't have brought it up otherwise. It's very clear that we need added investments. It's another way to get that," saad ni Marcos.
Ang naging pahayag ng Pangulo ay ginawa niya sa kanyang paglipad sa Brussels, Begium para daluhan ang Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) Commemorative Summit.
Sinabihan ni Marcos ang mga kritiko na hintayin ang pinal na bersiyon ng panukalang batas.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…
"Let's not debate until we see the final form, because we could be debating about provisions that may no longer exist," sabi ng Pangulo.
Bago nito, ilang kontrobersiyal na probisyon ng panukala ang binawi ng mga mambabatas dahil sa reklamo ng publiko.
Kasama rito ang pagtanggal sa Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) bilang pagkukuhanan ng pondo ng Maharlika, pati ang pagtatalaga sa pangulo bilang pinuno ng governing board nito.
Ayon kay Marcos, hahayaan na niya ang mga mambabatas na gawin ang kanilang trabaho para mabuo ang pinakaperpektong bersiyon ng panukala.
Ilang minuto naman bago mag-alas-3 ng madaling araw o alas-10 ng umaga sa Maynila, lumapag sa Brussels si Marcos para simulan ang kaniyang 3 araw na bisita at una sa kaniyang schedule ang pakikipagpulong sa Filipino communnity.
Nakatakda din siyang magsalita sa ilang pulong sa European business community.
Nangako si Marcos na isusulong ang interes ng Pilipinas sa kaniyang pagdalo sa summit sa Miyerkoles, kabilang ang muling pag-ahon ng ekonomiya ng bansa mula sa pandemya, pagnenegosyo, maritime cooperation, at pagtugon sa climate change.