SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Mikee Quintos, sumabak sa challenge

Mikee Quintos, sumabak sa challenge
Published on: 

Sumabak nitong nakaraan ang aktres na si Mikee Quintos sa "Jojowain o Totropahin" challenge sa kanyang pinakabagong vlog sa YouTube at kasama niya rito ang kanyang inang si Jocelyn Quintos.

Ginawa ng dalawa ang challenge habang umiinom ng wine at kumakain ng keso.

"I had a lot of fun doing this trend for my channel and I enjoyed it even more because of a certain special guest, my one and only Momma! How cool is it to do this with her while having wine and cheese from @boardsnbeyond! Kaya niyo din ba to laruin with your moms, Sweeties? Hahaha Try it!" saad ni Mikee.

Sa challenge, lumabas na totropahin nila sina Dingdong Dantes, Matteo Guidicelli, Ruru Madrid, at Alden Richards at napagkasunduan nilang nais maging dyowa ay sina Park Seo Jun, pati na rin si Piolo Pascual na talaga naman ay crush na crush ng ina ni Mikee.

Sabi pa nga ng nanay ni Mikee, makalaglag panty ang kagwapuhan ni Piolo at paniguradong matutunaw na raw siya kahit tingnan lang siya ng aktor.

"Oh my God, sobrang crush ko 'yan. Sa mata pa lang, natutunaw na ako sa kanya. Pag tiningnan pa lang ako, nalalaglag na 'yung panty ko. Ganun ko siyang jojowain. Sobrang ang sexy. Mata pa lang, sobrang sexy na niya talaga," saad ng ina ni Mikee.

"Crush na crush ko 'yan. Sa mata pa lang, tunaw na ako sa kanya. So kapag nilapitan ako, baka manginig na ako nang husto, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag katabi ko siya."

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph