SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Lokal na karne, mas gusto ng Pinoy

File Photo
File Photo
Published on

Inihayag ng isang grupo nitong Lunes na mas nais umano ng mga Pilipino na bumili ng sariwang karne mula sa mga lokal na producer kasunod ng pahayag ni Department of Agriculture (DA) deputy spokesperson Rex Estoperez So na hinihimok ang publiko na bumili ng frozen meat.

Ayon kay SINAG President Rosendo So, mas nais pa rin umano ng mga consumer ang mga fresh meat products na galing mismo sa bansa.

"Alam mo kasi ang mga frozen meat eh hindi mabenta ngayon 'no. Punong-puno, yang imported punong-puno at hindi nila malatag doon sa market 'no, nahihirapan sila, kaya nga, ang gusto kasi ng mga consumer pa rin yung fresh na local," saad ni So.

"And yung presyo, konting diperensiya lang. Hindi na ganoon kalaki, so mas prefer ng ating mga consumer yung local and fresh," dagdag pa niya.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture na nananatiling sapat ang suplay ng karne sa bansa at tiniyak rin ng ahensya na sapat ang suplay ng gulay para sa holiday season.

"'Sa mga pamilihang bayan mamili ka lang lahat ng varieties andiyan," saad ni DA deputy spokesman Rex Estoperez.

Gayunman, inaasahang tataas din ang presyo ng gulay at karne dahil sa mga bagyo at ang banta ng avian flu at African swine fever.

Tiniyak din ng DA na sapat ang suplay ng bigas.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph