
Nasa red alert ang Visayas at Mindanao Grid dahil sa mga power outage na dulot ng pagkapalya ng ilang planta sa ilalim…

Nais ipasiyasat ni Rodriguez (Montalban), Rizal Mayor Ronnie Evangelista ang mga flood control project sa kanyang…

Patuloy ang pamamayagpag ni Filipina tennis star Alex Eala matapos durugin si Mary Stoiana, 6-1, 6-2, sa unang round ng…

Nagkaroon ng panic buying sa ilang bahagi ng Tarlac City matapos gumuho ang Aquino at Agana bridges, na nagputol sa…

Umarangkada na ang halos P4 rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, batay sa inanunsyo ng mga kumpanya ng langis.
Hinihinalang ginahasa muna at pinatay saka isinilid sa sako ang isang Grade 11 student na natagpuan nitong Sabado sa Cadiz City, Negros Occidental.
Kinilala ang biktimang si April Bacato (16), mag-aaral ng Villacin National High School sa Brgy. Tinampaan, at residente ng Sitio Sisoy, Barangay Cabahug.
Sa ulat ng Cadiz Police, hapon ng Sabado nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakadapa at nakasilid sa sako ang kalahating katawan sa Hacienda Cornell Dos.
Ayon sa mga awtoridad, bra na lamang ang suot ng biktima nang matagpuan ito; nakitaan rin ito ng mga sugat sa iba't-ibang bahagi ng katawan.
Napag-alamang noong Biyernes ng umaga huling nakita ang biktima sa kanilang eskuwelahan kung saan ay nagpaalam umano ito sa kanila na magi-ensayo ng sayaw para sa night presentation ng Pasko Cadiznon.
Alas-kwatro ng hapon nang matapos ang practice at nag-uwian na ang lahat ngunit hindi umano nakauwi sa kanila ang biktima hanggang matagpuan na nga lang ang bangkay nito kinaumagahan.