Geneva Cruz, maraming pinagdaanan



Tahimik na inalis ng Jinan University ng China sa website nito ang isang ulat na nagsasabing pag-aari umano ng China…
Arestado ang isang 56-anyos na public school principal kaugnay ng pagpatay sa isang 36-anyos na gurong pitong buwang…

Isang katorse anyos na dalagita ang namatay pagkatapos iharang ang sariling katawan upang iligtas ang tatlo niyang…

Angel Locsin, inalala ang mga panahong namumundok si Robin Padilla.

Tila may namumuong alitan between Heart Evangelista at Mimiyuuh after mapansin ng netizens na they have unfollowed each…
Aminado ang singer-actress na si Geneva Cruz na marami siyang pinagdaanan bilang isang single mother lalo na noong nanirahan siya sa Amerika sa loob ng anim na taon.
Ayon kay Geneva, tulad ng halos lahat ng nanay na solong bumubuhay at nag-aalaga sa kanilang mga anak, marami rin siyang pinagdaanang pagsubok na talagang sumubok sa kakayahan niya bilang magulang.
Kuwento ng Kapuso actress, ang plano lang talaga niya noon ay mag-stay sa US ng isang taon matapos isilang ang second child niya na si London noong 2014.
Ngunit biglang nagbago ang plano nang dahil sa 18-year-old son niyang si Heaven (anak naman niya sa ex-husband na si Paco Arespacochaga), "When I gave birth to my daughter London (anak niya sa dating boyfriend na si Lee Paulsen) sa Amerika, it changed my life.
"Kasi my son needed me so I stayed for five more years. Dapat one year lang ako. I didn't come home for a long time," ang pahayag ni Geneva sa interview ng MomCenter Philippines.
"My son needed me and during that time feeling ko ang dami kong pagkukulang sa binata kong anak kasi nung naghiwalay kami ni KC (Montero, ang isa pa niyang ex-husband), doon na siya natira sa America and he was like 11 years old that time so when I moved there when 18 years old siya, we had a talk and I realized na kailangan ko bumawi," paliwanag ng OPM artist.
Nagpapasalamat siya sa Diyos na binigyan siya ng chance na makasama at maganayan ang kanyang panganay noong mga panahong yun.
"'Yung mga bagay na ginagawa ng isang nanay para sa anak na hindi ko nagawa for a long time para sa anak nagawa ko sa Amerika. It was good. It was amazing. Kasi kapag 18 years old ang tao di ba parang mas maraming pinagdadaanan. Maraming confusion kasi you are growing up. 'Yung emotions natin medyo parang hindi natin naha-handle so it was a great bonding time for me and my son," dagdag pa ni Geneva.