SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Ava Mendez, nasungitan

Ava Mendez, nasungitan
Published on

Aminado ang sexy actress na si Ava Mendez na hindi umano maganda ang naging first impressuion niya sa actor na si Jay Manalo nang magshooting sila ng upcoming sexy-drama-suspense movie nila na Laruan.

Kunweto ng dalaga, nasungitan kasi siya ni Jay nu'ng umpisa. However, inamin n'yang mali pala ang pagkakakilala n'ya dito. Inakala daw kasi n'ya noon na may pagka-suplado ito.

"Working with Jay Manalo… nu'ng una parang medyo naiirita ako sa kanya na parang ang sungit. Tapos nu'ng first shoot namin, s'ya na 'yong unang nag-approach. Akala ko parang mataray talaga s'ya, mahirap kasusapin," sabi ni Ava.

Bukod pa sa pagiging approachable daw pala ni Jay ay nagsilbi din umano n'ya itong acting coach sa set.

"Ang nakakatuwa sa kanya, pag nahihirapan ako sa lines ko tinutulungan n'ya ako kung paano ko s'ya ide-deliver o kung anong atake," dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, intimidating naman daw ang dating sa kanya ni Direk Yam Laranas nang ma-meet n'ya ito habang ginagawa nila noon ang pelikulang The Escort Wife kung saan nakasama n'ya sina Janelle Tee and Raymond Bagatsing.

"Nu'ng first time kong nakilala si Direk was 'yong doon sa movie din na The Escort Wife. Akala ko hindi ko s'ya makakasundo kasi mukhang strict. And then na-intimidate din ako kasi parang, ano s'ya, e, perfectionist," sabi ni Ava.

Pero mali din daw pala ang first impression n'ya sa multi-awarded director dahil mabilis daw silang nag-jive nang magkatrabaho na sila for the movie Laruan.

"So nu'ng nakakausap ko na s'ya tapos nakukuha ko na 'yong loob n'ya, sabi ko, 'Ah, cool pala 'to si Direk Yam.' Tapos nu'ng nakapag-work na kami dito sa Laruan, doon na nabuo 'yong friendship namin ni Direk Yam," saad n'ya.

Gaganap si Ava sa pelikula bilang si Thea, ang high-spirited art major na magiging new love interest ng reserve painter na si Rene, ang character ni Jay Manalo. Dahil dito ay magkakaproblema s'ya dahil sa sakim at cheater wife ni Rene na si Camille, na gagampanan naman ni Franki Russel.

Magiging kaabang-abang ang salpukan ng mga characters ng tatlo, isali pa role ni Kiko Estarada na si Geoff, ang colleague and lover ni Camille, na s'yang naging dahilan kung bakit nagkakilala sina Thea at Rene.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph