
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Inamin ng aktres na si Vivoree Esclito na marami siyang natutunan sa naging pagganap niya bilang Jengjeng sa "Tara, G!"
"Kay Jengjeng, I did not learn to give up sa mga friends ko sa La Guerta," saad ni Vivoree
"Ako, personally, I think I've grown so much hindi lang as an actress kundi as a person kasi I've learned so much from the story. May mga ganitong tao pala na nagtutulungan. May mga magbabarkada na tine-treasure 'yung friendship nila at hindi sila nag-iiwanan," dagdag niya.
Actually, nabuo ang magandang samahan ng team Wise na kinabibilangan nina Anthony Jennings as Rocky, Daniela Stranner as Cars, JC Alcantara as Dan, Kaori Oinuma as Legs, CJ Salonga as Smith and Zach Castañeda as Will.
At dahil din sa kanyang character, naging mas friendly at mas tumibay ang friendship ni Vivoree sa kanyang mga kasamahan.
"Ako rin, as a person hinahanap ko 'yun. I became that friend din sa isang tao. So, sobra talaga akong nag-grow as a person. That's one thing that I will cherish," saad ng dalaga.
Nagpapasalamat rin si Vivoree dahil marami pa siyang natutunan along the way during the taping on the series.
"Marami talaga akong learnings na natutunan. Lahat tayo may shortcomings. Lahat tayo may pagkukulang bilang anak, nanay, tatay, kapatid. Mayroon tayong mga shortcomings kasi tao lang tayo," sabi ni Vivoree.
"Ang importante diyan, marunong tayong magpatawad at marunong tayong umintindi and at the same time we should meet halfway. Hindi naman puwedeng 'yung isang tao lang ang nag-e-effort, dapat dalawa kayong nag-e-effort," dagdag niya.