
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Naranasan pala ng aktres na si Rica Peralejo na magtrabaho at an early age para sa kanyang pamilya, pero aminado siyang hindi siya naghinanakit kahit ganoon ang nangyari.
"I was a child, but I already have to act and think and carry problems like an adult," saad ni Rica sa isang podcast.
Ibinahagi rin ni Rica na nagdesisyon siyang magtrabaho sa murang edad nang mawala ang negosyong fishery ng kaniyang ama dahil sa pagsabog noon ng Mount Pinatubo. Hanggang sa siya na ang sumusuporta sa kaniyang pamilya.
"What did I know back then, diba? Parang growing up in the industry got me so lost talaga," sabi ni Rica. "It had that big effect on me. First of all that I had to start early in life, like no one should be carrying that much of a load at 12 years old. And you don't know that when you're 12. You're just like doing stuff."
Dahil dito, masasabi niyang iba ang kaniyang naging kabataan kumpara sa iba.
"It was a very difficult kind of life. Hindi naman ako normal na bata na nag-e-eskuwela lang, tapos sinasabi ng magulang na ganito. Ibang iba 'yung buhay ko. I think that kind of life aggravated wherever I was in life," saad ni Rica.
"I was a child, but I already have to act and think and carry problems like an adult," dagdag niya.
Sa kabila nito, wala siyang sama ng loob sa kaniyang pamilya, bagama't aminado siyang nakulangan siya sa mga natanggap na payo tungkol sa kaniyang sitwasyon noon.