
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muli na nilang ilulunsad ang online complaint form para sa mga drayber na nais ireklamo ang mga tiwaling kawani ng nasabing ahensya.
Ayon kay MMDA chairman Atty. Romando Artes, mas pinadali na umano ang proseso ng pagrereklamo.
"Bago po ito, pinadali po natin yung proseso. May ififill-up-an lang silang mabilis, tatlong questions lamang po: pangalan, yung ticket number, at yung kanilang reklamo," saad ni Artes.
"At yun po ay ating ipinag-utos na within 72 hours, kailangan i-solve ng ating traffic adjudication division, may mga lawyers po tayo dyan," dagdag niya.
Sabi pa niya, maaari rin umanong gamitin ang online form para kuwestiyonin ang ilang ticket na ibinigay sa kanila dahil sa mga traffic violation.
Kung matatandaan, inaresto ang isang traffic enforcer ng MMDA dahil sa umano'y pangongotong ng motorista, madaling araw ng Huwebes.
Pasado alas-3 ng madaling araw nang maaktuhan ng operatiba ng Quezon City Police District ang suspek na nakikipagtransaksiyon sa truck driver at una na umanong may nag-report sa Philippine National Police sa pangongotong ng suspek kaya nagsagawa sila ng operasyon sa lugar kung saan natiyempuhan ang suspek.
Ayon sa bktima, bigla na lang siyang pinahinto ng suspek dahil hindi daw siya dumaan sa truck lane.
"Tinanong niya ko bat wala daw ako sa truck line nagpaliwanag ako mababa kasi ang kahoy sa center island kaya aabot ang karga ko," sabi ng biktima.
Pero giit ng suspek, hindi totoong nangongotong siya.
Ayon naman kay Artes, nakakulong na ang umano'y nangongotong na enforcer at isasailalim na sa inquest procedure.
"Ang mga bagay na ganyan ay hindi naman po natin tino-tolerate, in fact in coordination po tayo sa mga kapwa opisyal at talaga pong pinapaaresto natin at ipinapakasuhan yung mga ganoong pagkukulang ng enforcer na ito," sabi ni Artes.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…