
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nitong nakaraan ay isang mamabatas ang nagpahiwatig na kung maaari bang mag-imbento ang mga siyentipiko sa bansa ng isang food pill na kagaya umano kinakain ng mga astronaut sa kalawakan na puwedeng ipamahagi sa mga mahihirap upang hindi sila magutom kahit abutin ng ilang buwan.
Iyan ang naging pahayag ni Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta kay Secretary Renato Solidum Jr. nang isinalang sa Commission on Appointments (CA) ang kaniyang pagkakatalaga bilang kalihim ng Department of Science and Technology (DoST).
"I'm thinking aloud na kung sakali pong makaimbento tayo nung kinakain nila, ibibigay ko po sa mga mahihirap na kababayan natin. Even for months hindi sila kakain, hindi sila mamatay," saad ni Marcoleta.
"Kasi 'pag kinain niya 'yon, it will last for several days, if not months," dagdag pa ng kongresista.
Karaniwang tumatagal nang mahabang panahon sa kalawakan ang mga astronaut.
Ayon naman kay Solidum, titingnan ng food security committee ng DOST ang mungkahi ni Marcoleta dahil wala raw sa ngayon sa Pilipinas ang ganitong uri ng pagkain na may shelf life na aabot ng ilang buwan.
Kung iisiping mabuti, talagang kakaiba ang naging pahayag ng mambabatas na ito, dahil hindi naman siguro papayag ang mga kababayan natin na food pill na lamang ang kanilang kakainin.
Kakaiba ito, dahil ang mga Pinoy, natural na matiisin at kahit magdildil na lamang ng asin ay gagawin upang makapagpatuloy lamang sa buhay.
Pero hindi naman siguro marapat na idaan lamang sa food pill ang problema ng kagutuman sa bansa, dahil una sa lahat, isang agricultural country ang Pilipinas at talagang maraming maaaring itanim na makakain.
Ang mas magandang pagtuunan na lamang siguro ng pansin ng ating mga mambabatas ngayon ay kung paano palalakasin ang agrikultura sa bansa, dahil mas makatutulong pa ito sa ating mga magsasaka kaysa maghintay pa ng sinasabing food pill.