
Inamin ng aktres na si Sunshine Cruz na willing siyang makasama ang pamilya ng ex-husband niyang si Cesar Montano sa New Year at ayos lang umano sa kanya ang blended family set-up.
Walang problema sa kanya kung makasama ng kanyang mga anak na sina Angelina, Samantha and Francheska ang kanilang ama na si Cesar pati na ang mga anak nito.
As for New Year, Cruz revealed that they're planning to spend it in Bohol.
Sa Masquerade Ball organized by Surge Fitness+ Lifestyle kung saan ambassadors si Sunshine pati na ang kanyang taltong anak, ibinahagi ng aktres na sa bahay lang silang pamilya sa Christmas.
Pero sa New Year ay balak nilang mag-out of town.
"Sa New Year naman, actually nagpapa-book ako kanina, we will spending it, December 30 to January 3 or 4 in Bohol. Magbi-beach kami ng mga kids. I don't know kasi parang ang plano, I don't know kung matutuloy kasi ang plano is isasama si Cesar pati 'yung partner niya and mga kids also," saad ni Sunshine.
Excited na si Sunshine na matuloy ito dahil minsan lang naman mangyari na makakasama ng mga anak niya si Cesar pati na ang pamilya niya.
"Sana nga matuloy, ha. Hindi pa ako sure pero 'yun ang plano. The kids are telling me na dad, tita Kath and siblings want to join," saad pa niya.
Super happy ang aktres na nagkaayos na sila ng dating asawa at nagkakasundo na ang lahat.
"Everything is okay na. Maayos na ang lahat, nagkakasundo. Sino ba naman ang ayaw noon?" sabi ni Sunshine.