Rochelle Pangilinan, may napatunayan

Aminado ang aktres na si Rochelle Pangilinan na hindi nagbago ang aktor na si Coco Martin mula nang una nitong nakilala ang aktor.
Ayon sa aktres, hindi ito ang unang pagkakataon na magkasama sa isang proyekto sina Rochelle at Coco at ito nga ang dahilan kung bakit gano'n na lang ang kagustuhan ni Rochelle na makasama si Coco ay dahil nakasama na niya ito noong nagsisimula pa lamang ito.
Ito ay sa dati niyang serye kasama ang Sexbomb Dancers, ang Daisy Syete sa GMA-7.
"From Daisy Syete na naka-trabaho ko si Coco, gusto kong makita kung ano siya ngayon. Kung kumusta na siya. Kasi, minsan kaming nagkita, hindi naman kami gano'n nagka-kuwentuhan. Pero ngayon, dito, nakita ko na, 'Oh, my God, si Coco, never nagbago.' Bukod sa panlabas niyang anyo na hindi tumatanda, talagang napaka-down-to-earth na tao and lahat—kung ano siya noon, yumaman lang. Pero 'yun pa rin siya ngayon," sabi ni Rochelle.
Dati pa raw kilala ni Rochelle na talagang napakasipag mag-trabaho ni Coco.
"Sobra… at dito, nakita ko kung paano siya mag-trabaho kaya siya si Coco Martin. At sinabi na nga ni Jodi, grabe 'yung pulso niya. Lahat nakikita niya. Umaarte siya, pero nakikita niya ang ilaw na—ah okay, paano 'yung magic na 'yon? Alam niya ang linya niya, alam niya ang buong story. Lahat nakikita niya. Pagkatapos niyang umakting, uupo siya sa harap ng monitor, magdi-direk naman siya. As in, hindi siya tumitigil. Gusto ko na ngang itanong, 'Kailan ka magpapahinga?' Kasi, talagang grabe po siyang mag-trabaho. Kaya rin naman siya si Coco Martin. And nakita ko po talaga at sabi ko na lang sa asawa ko pag-uwi ko, 'Grabe Beh, si Coco, kung ano siya dati, gano'n pa rin siya ngayon. Pero, ang dami na niyang responsibilidad," sabi ng aktres.
Ang asawa ni Rochelle ay ang Kapuso actor na si Arthur Solinap. Magkasabay sina Arthur at Coco na naging bahagi ng Daisy Syete noon.
At masaya rin daw ito para kay Rochelle na nakasama niyang muli si Coco sa pamamagitan nga ng MMFF movie nila na Labyu with an Accent.
