
Photo by Joey Sanchez Mendoza
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng Department of Health nitong Biyernes na posible na umanong ang mga local government units (LGU) na ang magpapatupad ng mga alert level system sa bansa habang nagpapatuloy ang coronavirus disease (Covid-19) pandemic.
Ayon kay Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, tinalakay sa pinakahuling Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang rekomendasyon na paghiwalayin ang alert level at ang kaukulang restrictions nito.
"The DILG (Department of the Interior and Local Government) was instructed by the collegial body to study further if local governments really have that capacity to assess their respective areas and, of course, to implement the restrictions on their own based on the risk level for each of their areas," saad ni Vergeire.
Ayon pa sa kanya, kung sakaling maapubahan ang rekomendasyon ay magiging kani-kaniyang pasya na ang bawat lokal na pamahalaan. Sila na rin ang magpapatupad ng alert level at restrictions oras na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Pero kailangan pa muna itong idaan sa konsultasyon sa mga LGU.
Sa susunod na IATF meeting sa 2023 inaasahang makakapagbigay na ang DILG ng kanilang assessment sa kakayahan ng mga lokal na pamahalaan na gawin ito.
Bukod sa vaccination, ang isolation at quarantine ng mga nakakahawang sakit ay kabilang na rin sa mga regular na gawain ng iba't ibang pasilidad.
"We would want our healthcare units to be implementing this integration para makalagpas na sa mindset na takot tayo, and sa mindset na pag marami ang kaso parang paralyzed tayo in fear. Lahat kasi ngayon nakatuon sa COVID-19. Kailangan magkaroon na rin tayo ng pag-iisip sa programa na hindi naman COVID-19. There are still other illnesses," sabi ni Vergeire.
Nagpaalala rin ang Health department na huwag gamitin ang antigen test bilang paraan ng screening dahil maaaring magdulot ito ng false negative o false positive result na posibleng maging dahilan ng maling paraan ng pag-manage sa indibidwal.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…