
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nagbabala ang Department of Health (DoH) nitong Martes sa mga local government units kaugnay sa pamimigay sa ikalawang booster shots laban sa COVID-19 at nanawagan ito sa mga LGU na maging mapanuri.
Naaresto ng mga otoridad ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Huwebes ng madaling araw dahil umano sa pangongotong nito sa mga motorista.
Naaktuhan ng mga operatiba mula sa Quezon City Police District ang suspek na nakikipagtransaksiyon umano sa isang truck driver.
Una na umanong may nag-report sa Philippine National Police sa pangongotong ng suspek kaya nagsagawa sila ng operasyon sa lugar kung saan natiyempuhan ang suspek.
Ayon sa bktima, bigla na lang siyamg pinahinto ng suspek dahil hindi daw siya dumaan sa truck lane.
"Tinanong niya ko bat wala daw ako sa truck line nagpaliwanag ako mababa kasi ang kahoy sa center island kaya aabot ang karga ko," anang biktima.
Pero giit ng suspek, hindi totoong nangongotong siya.
Napag-alaman pa na dati nang inireklamo ang suspek dahil din sa pangongotong kaya inilipat siya sa Special Operations and Anti-Colorum unit.
Nasita din ito nang makita sa Congressional Road na nakauniporme kahit naka-off duty na.
"Nung in-assign sa akin yan pina-stay ko sa opisina hindi ko pinapasama sa operations the main reason behind hindi ko alam mga background nitong mga batang to iba kung an ginagawa neto so pinaback ground natin so ayan nga base on sa nakita naming sa imbestigasyon namin itong taong ito iyan ang ginagawa umiikot, umu-orbit may hinahakawan siya diyan kung ano anong violation ang tinatakot sa mga driver," ayon sa unit head na si Bong Nebrija.
Tinatapalan din umano nito ng chewing gum ang magkabilang body number ng kaniyang motorsiklo para hindi makuha ang kaniyang pagkakakilanlan.
Tiniyak ni MMDA acting chairman Romando Artes na hindi nila ito kinukunsinti.
Agad na papatawan ng preventive suspension ang suspek kung mapatunayan ang reklamo.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…