Andrea Garcia, may death threats

Aminado ang Vivamax sexy actress na si Andrea Garcia na nang magsimula siyang magpa-sexy sa mga pelikula ay nakakatanggap na siya death threats o banta sa kanyang buhay.
Pero ayon naman sa dalaga, keri lang daw niya ang mga nasasabi sa kanya ng ibang tao tungkol sa ginagawa n'ya at sa napili n'yang propesyon.
Kung matatandaan kasi, ilang sexy roles na din naman ang nagawa ng aktres sa mga kinabilangan n'yang Vivamax movies gaya ng Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, Pabuya, Alapaap, at ang mga online series na High on Sex at Secrets of a Nympho.
At ngayon nga ay kasama rin siya sa upcoming sexy-drama-comedy series nilang Lovely Ladies Dorm.
"Surprisingly enough, I really don't care. I know that is so egoistic but kilala ko na ang sarili ko enough, that I really don't care about what other people would say about my choice of career," sabi ni Andrea.
Hindi naman daw nangangahulugang masamang tao na s'ya dahil lang sa nagpapa-sexy s'ya sa mga serye at pelikula.
"Choosing to show skin, choosing to be sexy doesn't make me less of a person. It doesn't make me a bad person, a bad daughter, a bad sister… It just means that I feel empowered to be sexy. It's a form of art and it's what in our media now," sabi pa ng dalaga.
Kuwento pa niya, mayroon rin umanong nagbabanta sa kanyang buhay dahil sa kanyang pagpapahuhubad.
"So ako, kahit anong sabihin ng tao, which by the way, guys, nakaka-receive ako ng death threat dahil lang nagpapa-sexy ako, [pasok] sa kabilang tenga, labas sa kaliwa," sabi ni Andrea. "Art of dedma talaga. Ikaw lang ang may kilala sa sarili mo. And as long as you're happy talaga, dedma na lang sa kanilang lahat."
Sabi pa niya, may mga natatanggap daw s'yang message sa social media mula sa isang dummy account noon pa mero mas tumindi daw ang banta sa kanya nang pumasok na s'ya sa showbiz.
"It was anonymous from a dummy account. The messages have been ongoing in my message request for over a year. And patagal nang patagal pa-intense nang pa-intense 'yong galit," sabi ng dalaga.
