
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inarestro ng mga otoridad ang hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency Southern District Office (PDEA-SDO) at ang lima nitong tauhan matapos itong mahulog sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig City nitong Martes ng gabi.
Ang mga suspek ay dinampot ng mga otoridad matapos bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa PDEA headquarters.
Nasamsam ng National Capital Region Police Office sa operasyon ang maliliit na pakete at isang malaking package ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P9 milyon.
Nakumpiska rin ang 4 na baril, buy-bust money at isang timbangan.
Ayon kay Southern Police District chief Brig. Gen. Kirby Kraft, mga aktibong nagtatrabaho pa ang mga PDEA agents na kanilang natimbog sa nasabing anti-illegal drug operation.
Sinabi naman ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na ikinalulungkot niya na mga kawani pa ng ahensiya ang naaresto.
"Wala pa akong interaksyon sa kanila kasi we're trying to find our bearings in the office and pinag-aaralan namin, and unfortunately this thing happened," aniya.
Ito aniya ay magsisilbing patunay na wala silang pinipili sa kanilang kampanya kontra droga.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso ng mga nasangkot na PDEA agent. Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng Metro Manila police.
Samantala, sinabi naman ng PDEA na iniimbistigahan na nila ang nangyaring insidente.
"PDEA is doing an internal investigation to get to the bottom of the case and determine the ones culpable," saad ng PDEA sa isang pahayag.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…