Nadine Lustre, walang babaguhin

Inamin ng aktres na si Nadine Lustre na hindi niya babaguhin o aalisin ang viral photo niyang bumili siya ng Mang Tomas sauce noong nasa Siargao siya.
"Hindi ko idi-delete, personally I was really entertained when that photo came out, sobrang gusto ko 'yung reactions ng mga tao especially 'yung mga reactions na may nag-edit, nag photoshop ng sarili nila, merong mga tao talaga na noong nasa Siargao sila nag-photo talaga sila do'n," sabi ni Nadine.
"Meron pang iba na ginawang costume nu'ng Halloween, so, hindi,hindi ko siya ide-delete sobrang na-amuse ako, gusto ko 'yung mga memes, may mga funny videos ganyan. Nakakatuwa na makita 'yung sarili ko sa mga photos," dagdag pa niya.
Nang matanong naman king ano pa ang kanyang aalisin sa kanyang buhay, sinabi ng dalaga na ang "hindi ko pag-alaga sa sarili ko, hindi po ako natutulog tapos puro junk food ang kinakain ko" ang kanyang gagawin.
"Marami po kasing times na especially recently na naisip ko na sana mas inalagaan ko ang sarili ko, sana mas natulog pa ako," dagdag pa niya.
Nagkaroon kasi ng karamdaman recently si Nadine pero hindi naman daw grabe kaya natutunan niya na sana, "tineyk advantage ko na malakas pa ang katawan ko, sana (mas) inalagaan ko pa."
