
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Ngayong nalalapit na naman ang Kapaskuhan, siguradong pahirapan na naman ang pagko-commute lalo na kung manggagaling sa mga malls ang ating mga kababayan na bumibili ng panghanda para sa Pasko.
Bukod kasi sa mayroon pang pandemya, talagang siksikan na rin ang ilang mga pampublikong transportasyon gaya ng mga bus at jeeps, kaya ang ilan nating mga kababayan, handang gumastos ng malaki para makapag-taxi lamang o makakuha ng transport network service vehicles.
Ang problema lang, kasabay ng pagdagsa ng tao ay nariyan na naman ang ilang mga taxi driver na namimili ng pasahero o nangongontrata.
Kaya naman muling ikinasa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang "Oplan Isnabero" laban sa mga taxi driver na namimili at nangongontrata ng mga pasahero.
Binigyang diin ng LTFRB na sino mang taxi driver na mapatutunayang namimili ng pasaherong isasakay ay pagmumultahin ng P5,000 sa first offense, P10,000 sa second offense, at P15,000 sa ikatlo na maaari pang ikatanggal ng lisensiya.
Pero ayon sa mga taxi driver, may mga lugar kasing delikado nilang daanan, lalo na kapag inaabot na sila ng dilim.
Hinimok naman ng LTFRB ang publiko na i-report agad sa kanila ang mga isnabero at nangongontratang driver sa pamamagitan ng hotline number na 1341 at QR codes na nakakabit sa mga pampublikong sasakyan.
Paalala lamang po sa ating mga kababayang taxi drivers, sana po ay maging patas tayo sa paghahanap-buhay, dahil ang ating mga manggagawa at mga kababayang nagtatrabaho ay patas din naman sa buhay.
Huwag naman sana tayong mang-isnab ng mga pasahero dahil siguradong hirap din sila sa kanilang mga buhay.
Hindi mainam ang manlamang sa kapwa, lalo na ngayong Pasko na sumisimbolo ng pagbibigayan.