Angelica Panganiban, na-shock



Nagsimula nang maipatupad nitong Sabado ang unang bahagi ng P85 dagdag sa pang-araw-araw na sahod ng mga manggagawa sa…

Inilagay na sa high alert ang Southern China habang nasa 340 000 na ang inilikas dahil sa Bagyong Noul (dating Kiyapo).

Umani ng batikos ngayon si Unkabogable Star Vice Ganda matapos ang kanilang skit na "Memerimar" sa show na It's…

Inanunsyo ni LeBron James na tutungo siya sa Philadelphia para sa huling yugto ng kanyang dawamput-apat na taon sa…

Napagkamalang may dalang ilegal na droga ang isang 17-anyos na Grade 9 student sa Bacolod City matapos makitaan ng…
Na-shock ang aktres na si Angelica Panganiban patungkol sa na-order niyang swimsuit at sa kanyang social media ay ibinahagi niya ang pagkagulat sa kanyang shopping experience at nagtanong sa madlang pipol kung paano nga ba mako-contact ang Bureau of Customs.
"Hmmm… pano ma contact ang customs? May binili akong swimsuit, 7k yung amount. Pero pinapabayaran ako ng 8,211 pagka deliver sa akin naloka po me," sabi ni Angelica sa tweet.
Talaga nga namang maloloka ka kung ang mas mahal pa ang tila delivery fee sa naturang item na iyong binili.
Marami naman sa mga netizens ang to the rescue at sumagot sa tweet ni Angelica.
"Hi Ms Angelica, Licensed Customs Broker here, kung yung items mo ay 10k pesos and below (USD converted to Peso) dapat Wala ka ng babayaran na duties and taxes, probably baka may service charge yan ng delivery company," saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "Hindi po dapat kayo siningil kasi less than 10k yung value ng inimport mo."
"Normally included shipping sa initial charge unless stated na hindi. And pinakamalaking shipping charge i encountered is 3k. No customs charge if less than 10k amount ng purchase," sey naman ng isa.
May iba naman na tila naka-relate kay Angelica at ibinahagi rin ang kanilang experience sa pagbabayad ng napakalaking tax para lang makuha ang kanilang mga items.
"Relate ako dito. Nagpdala ako ng package sa pinas from Finland mga pang pasko lang ng anak ko. Nagbayad ako sa post office dito ng 7000pesos Express delivery para umabot tapos pagdating sa pinas 3 weeks pa bago nagpadala ng notice tapos 15,622 bayad namin para ma release," sabi ng isang netizen.