
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nagbabala ang Department of Health (DoH) nitong Martes sa mga local government units kaugnay sa pamimigay sa ikalawang booster shots laban sa COVID-19 at nanawagan ito sa mga LGU na maging mapanuri.
Wala pa umanong rekomendasyon ang mga eksperto para bigyan ng second booster ang general population, ayon sa DoH.
Base sa guidelines, mga senior citizen, may comorbidity at immunocompromised, at health worker pa lang ang dapat tumanggap ng second booster.
"Alam naman natin na 'yong ibang citizens and local government units would always say minsan may high blood pero wala naman. So sana maging mapanuri tayo. Ang LGUs gusto nating bigyan ng paalala na maging mapanuri sa pagbibigay ng second booster," saad ni DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
Ayon pa kay Vergeire, kapag tinurukan ngayon ng second booster ang taong hindi naman bahagi ng eligible population, baka mas lalo lang maantala ang kaniyang pagbabakuna ng bivalent vaccines oras na dumating ito sa bansa.
Hinihintay umano ngayong ng DoH ang rekomendayson ng mga eksperto para sa third booster gamit ang bivalent vaccines.
Nauna na ang ibang bansa sa pamamahagi nito, lalo't patuloy na nakakapagtala ng bagong sublineage ng omicron variant ng COVID-19.
"Ito 'yong isang rason kung bakit tayo bumibili ng bivalent vaccines. Dahil mayroon na initial studies ngayon na [nagsasabing] kinakailangan natin makapagbigay ng bivalent," ani Vergeire.
Base sa datos ng DOH, nadagdagan na naman ng isa ang nakumpirmang tinamaan ng BQ.1 sublineage ng omicron.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…