
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Isang masayang balita ang bumungad sa ating mga tsuper at operators ng mga pampublikong sasakyan dahil sa mayroon na namang ipinatupad na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo nitong Martes.
Matatandaang sunud-sunod ang naging rollback sa presyo ng krudo nitong mga nakaraang linggo at nitong Martes nga ay nasa P1.90 ang bawas-presyo sa diesel at P1.95 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina.
Ayon sa ilang mga tsuper, malaking tulong talaga ang ilang linggo nang bawas sa presyo dahil kahit papaano umaano lumaki na rin ang kanilang kita.
Dagdag pa nila, magagamit sa ibang gastusin ang matitipid nila sa krudo kaya naman umaasa ang mga driver na tuloy-tuloy na ang mga rollback.
Talagang isang magandang balita ang mga nangyayaring rollback sa presyo ng krudo nitong mga nakaraan lalo ngayong malapit na ang Pasko, kung saan kinakailangan talagang kumita pa ng mas malaki ang ating mga tsuper.
Sana lamang talaga ay magtuloy-tuloy na ito, dahil hindi na talaga biro ang mga nagtataasang presyo ng ibang mga pangunahing bilihin.
Nariyan pa rin ang banta ng pandemya, kaya naman kinakailangan talagang madagdagan ang kinikita ng ating mga tsuper.