

Kumakalat ngayon ang mga bali-balita na nais makipag-usap ng aktres na si Kylie Padilla sa kanyang mga abogado sa hindi malaman na kadahilanan.
Ayon sa beteranong showbiz columnist na si Cristy Fermin, mayroon umanong napagsabihang kaibigan ang aktres na may kaugnayan sa pakikipag-usap nga sa mga abogado niya.
May mga ispekulasyon umano na para ito sa annulment case nila ng asawang si Aljur Abrenica, pero may mga tsismis rin na para ito sa balitang nanganak na umano si AJ Raval at ang aktor ang ama.
Ayon pa sa beteranong showbiz columnist, hindi pa umano talagang annulled ang kasal ni Kylie at Aljur.