Joana David, MAY MALAKING ASSET

Joana David, MAY MALAKING ASSET

Aminado ang baguhang sexy star na si Joana David na talagang palaban siya at wala ring inuurungan pagdating sa hubaran dahil naging Playboy Playmate of the Year siya noong 2019 kaya hindi na bago para sa dalaga ang pagpapaseksi at pag-arte sa harap ng mga camera.

Debut movie ni Joana ang Vivamax Original sex-drama film na "Pamasahe" na pinagbibidahan ni Azi Acosta at dito'y sumabak nga sa nakakikiliting love scene ang dalaga.

"Ang role ko sa movie ay isang prostitute. Kami iyong mga babaeng umaakyat sa barko para magbigay aliw sa mga kalalakihan," sabi ni Joana. "Si Alvaro Oteyza ang ka-love scene ko rito, ang role ko rito ay si Cindy, bale isang pokpok na ipinapadala sa barko para sa mga seaman. Isa lang po ang love scene namin sa movie, pero sa palagay ko ay exciting po ito… bale, iba-iba kasing position na ginawa namin ni Alvaro."

Aminado si Joana na pansinin ng boys ang kanyang malulusog na boobs at kabilang ito sa maituturing niyang asset sa pagpasok sa showbiz.

"Ang vital statistics ko ay 36-24-36 at sa totoo lang, pansin ko na karamihan sa boys, madalas ay nakatingin sila sa dibdib ko. Pero deadma lang naman ako sa kanila, basta ba huwag lang hihipuin itong papaya ko, puwedeng tingnan pero bawal ang touch. Ha-hahaha! Maituturing kong asset sa pagpasok ko sa showbiz ang aking boobey. Ha-hahaha!" sabi pa ng dalaga.

logo
Daily Tribune
tribune.net.ph