
Inamin ng aktres na si Dimples Romana na hindi pa siya handang tumanggap ng mga lesbian roles sa TV at sa pelikula.
Sa mahigit dalawang dekada ni Dimples bilang artista, masasabing hasang-hasa na siya at nagampanan na niya halos ang all possible roles except one — ang maging lesbiyana sa pelikula o TV, partikular ang role na may intimacy.
Nang matanong siya during the My Father, Myself media con, kung may pagkakataon bang naalok na siya ng ganoong role, isa lamang ang isinagot ni Dimples.
"I will not lie, there was an offer and this offer came right in the smack of the pandemic. As in, gitnang-gitna siya," matapat na lahad ni Dimples. "But as you know, I have a husband that I have to report to every single time. And this is not only by mandatory rules [on my part] and not obligatory at all. But as respect, you know… So ako, as an actor, I'm always very curious—always. Kasi, ano 'yan, sakit ng artista na tumanda na sa industriyang ito. May gano'n ako na parang nag-i-itch ka, 'Kaya ko ba 'yang gawin?' 'Magagawa ko ba 'yan?' Kasi as you know, the bigger the risk, the bigger the reward. And we all know that. Pero no'ng in-offer sa akin 'yon—at ito ay isang director rin na nanay-nanayan ko," sabi ni Dimples.
"Noong in-offer sa akin 'yon, sabi ko lang po, 'Hindi pa po yata ako handa. Kasi, hindi ko naramdaman sa puso ko na handa na 'ko," dagdag pa niya.
Kaya nga gano'n na lang din daw ang paghanga at respeto niya sa mga co-stars niya na sina Sean de Guzman at Jake Cuenca dahil na-embrace ng mga to ang mapang-hamong roles nila as men deeply in love with each other.
"It takes a lot of heart and guts to follow through that kind of scene. Kailangan buong-buo ang loob mo bilang isang artista," patukoy ni Dimples sa mga intimate scenes no'ng dalawa.
When she got a similar offer, hindi raw buo ang loob niya.
"At that time, talagang hinang-hina pa rin ang loob ko bilang artista. Hindi ko rin alam kung dahil ba pandemic no'n that I'm shying away from roles that I'm not used to. But also in the same manner, I did not say no because I didn't trust the director. Actually, I trust the director so much. It was I. I wasn't sure kung kaya kong i-deliver," sabi ni Dimples.
"Ako, bilang isang artista, hindi ako papasok sa isang trabaho na hindi ko alam kung kaya kong ibigay. Kasi, gusto ko, kapag pinasok ko, ibibigay ko lahat. Kagaya ng pagko-kontrabida…hindi rin 'yan madaling gawin. Pero kapag sinabi kong oo sa kontrabidang ito, kahit anong ipagawa mo sa akin bilang kontrabida, gagawin ko 'yon," dagdag pa niya.