Zeinab Harake, may payo


Nagpayo ang sikat na influencer at vlogger na si Zeinab Harake sa mga lalaking may balak manligaw o may liligawan na kung hindi pa sila sigurado ay huwag munang pumasok sa isang relasyon.
Ito ang payong kalakip sa mensahe ng dalaga kay Xian Gaza.
"Love you friend. Ganyan dapat boys pag di kayo sigurado or hindi pa kayo tapos sa buhay binata nyo 'wag kayong mag papaasa o pumasok sa relasyon na kayo mismo alam sa sarili nyong hindi n'yo pa kaya manindigan at magseryoso. Hindi 'yung nakakasakit kayo ng babaeng walang hinahangad kundi ang magkaron ng maayos na partner o pamilya di laro ang commitment."
Kung matatandaan, nagsabi si Xian na love niya si Zeinab pero ayaw niya itong ligawan dahil hindi pa umano siya sawa sa pagkabinata.
"Zeinab Harake, Guilty ako sa bagay na 'yan sa totoo lang. Natuto na lang talaga ako. Sabi nga sa isang quote, eh, hindi porke ganoon ka before eh you cannot advocate against it now. People grow. We are a work in progress. Ang importante ay alam nating itama 'yung mga pagkakamali natin to become better versions of ourselves," sabi ni Xian.
May ipinost ulit si Xian pagkatapos nilang magklaruhan ni Zeinab, "Sabi nu'ng business partner ko dito, ang ganda daw ng mukha ni Zeinab. Sabi ko sa likod ng kagandahan niya ay wagas na pagmamahal at hindi natingin sa panlabas na kaanyuan. Paano ko daw nasabi. Pinakita ko picture nila ni Skusta (Clee), umagree siya. Hahaha."
Early-stage cancer can be more easily treated than in the later stages. That is why doctors recommend regular cancer…
‘As far as I recall and based on the record, there is no showing.’
President Ferdinand Marcos Jr. is flying to Singapore for a five-day working visit upon the invitation of Singaporean…