Catriona Gray, naimbiyerna

Dismayado si Miss Universe 2018 Catriona Gray nitong nakaraan dahil bigla na lang umanong pinutol ang kanyang speech para sa isang event na ginanap sa Clark Global City in Pampanga.
Imbiyernadette Sembrano nga ang beauty queen dahil sa ginawa sa kanya habang nagsasalita at nagbibigay ng mensahe sa Global Peace Festival 2022.
Sa kanyang Twitter account naglabas ng kanyang saloobin ang girlfriend ni Sam Milby nitong Sabado at ayon sa dalaga, hindi siya binigyan ng sapat na panahon para tapusin ang inihanda niyang speech sa nasabing event.
Sabi pa niya, naghanda siya ng 20- minute speech pero pinutol siya sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita.
"I'm so disappointed. To everyone who has been waiting in the heat at the #GPFestival2022 I'm sorry. I worked on a 20-minute speech for you all, and have been so excited to share it with you all but I was cut off not even 10 minutes in," ang dismayadong pahayag ni Catriona.
Ngunit sa kabila ng nangyari, todo pa rin ang pasasalamat ng dalaga sa lahat ng nagpunta sa Global Peace Festival 2022 para sumuporta at makiisa sa kanilang ipinaglalaban.
"Just know I love and appreciate you guys and I'm so sad I wasn't able to have my proper time with you," mensahe pa ni Catriona.
Marami naman ang nakisimpatya sa TV host at nagsabing wala siyang dapat ipag-alala dahil naiintindihan daw nila ang nangyari. Naniniwala raw sila na walang kasalanan si Catriona.
