
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nitong nakaraang buwan lamang ay inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsisimula na umano ang "Libreng Sakay" sa EDSA Carousel Line sa Disyembre 1 at tatagal hanggang sa katapusan ng Disyembre.
Siyempre, ikinatuwa ng mga mananakay ang anunsyong ito ng LTFRB dahil talaga namang magiging malaking tulong sa kanila ito.
Inaasahan kasing mas maraming pasahero ang makikinabang sa programa, lalo't extended ang oras ng mga mall dahil sa papalapit na Pasko.
Bago nito, mula alas-4 ng madaling-araw hanggang alas-11 ng gabi lang ang libreng sakay sa ruta, na bumabaybay mula Caloocan City hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange.
Pero may mga kumakalat na balita ngayon na nagrereklamo ang ilang mga pasahero sa EDSA carousel dahil kahit ipinapatupad na ang 24/7 bus free ride, naniningil pa rin umano ang ilang mga konduktor ng pamasahe.
Ayon sa ilang mga komyuter, may ilang konduktor na sinasamantala ang paniningil paglagpas ng alas onse ng gabi.
Panawagan naman ng konduktor na si Eddie Trosano sa kanyang mga kasamahan, sana naman ay 'wag samantalahin ang ating mga kababayan.
Sa mga kababayan nating mga bus drivers at kunduktor, bakit naman ganoon?
Alam naman nating lahat na talagang mayroong kakulangan ang LTFRB sa pagbibigay ng sahod sa mga kasama sa EDSA bus carousel line, pero hindi naman siguro ito dahilan para ipatong sa mga mananakay ang kakulangang ito.
Tutal naman, nauna nang sinabi ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board na inaayos na nila ang pagbayad sa mga bus operator.
Sana naman ay maging maayos din ang pagpapatupad ng Libreng Sakay na ito.