
Ipinakita ng social media influencer at vlogger na si Zeinab Harake ang mga luxury items na regalo umano sa kanya ng isa pang social media personality na si Xian Gaza at sa kanyang IG stories ay makikita ang short video kung saan magkasama ang dalawa at nagpapasalamat si Zeinab sa mga ibinigay sa kanya.
Matatandaang nagkita sina Xian at Zeinab sa Dubai at iniabot nito ang regalo bago ito umuwi sa Pilipinas.
"Ang taray ng Chel tsaka pa-Gucci ni mayor, maraming salamat mhie. Binawi mo yung P100K na bill na binayad ko may paganito ka, wala na mas sobra pa to sa P100 K, salamat, love you bebe. ingat-ingat," saad ni Zeinab.
Ang mga luxury items na ibinigay ni Xian sa social media influencer ay advance birthday gift na niya para sa kaibigan.
Ngunit bago pa man ang pamamaalm ng dalawa sa isa't isa ay pumarty muna sila sa Dubai kung saan si Zeinab pa nga raw ang nagbayad ng bill.
Makikita rin sa Facebook page ni Xian ang larawan at video na kuha noong nagkasama sila.
Makikita sa latest upload nito ang video kung saan sumasayaw siya pagkatapos uminom ng alak at tila si Zeinab mismo ang kumukuha sa kanya.
"I love you, Zeinab," sey pa ni Xian sa bandang dulo ng video.