
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ni Senador Imee Marcos na magkakaroon ng umaatikabong debate para sa pagpasa ng Maharlika Wealth Fund bill o House Bill 6398 at ayon sa kanya, marami pang dapat ayusin sa panukala.
"Nakikita naman namin kung saan yung problema, bukas naman ang isipan ni Cong.Joey Salceda, nagpanukala at lahat naman ng author bukas sa diskusyon, so sangkatutak na debate to," saad ng senadora.
Pero sinabi ni Marcos na handa umano siyang suportahan ang panukala na mga kongresista na pinapangunahan ng pinsan nito na si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at pamangkin na si Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.
"Maganda naman yung pakay na ipagkaisa ang lahat ng pera ng gobyerno para maganda naman ang takbo at isa ang mamumuno, peto tulad nga ng sinabi ni congressman Recto, talagang dapat isaayos pa so kapag may transparency, may accountability, bakit hindi," sabi ni Marcos.
Naniniwala rin si House Deputy Speaker Batangas Representative Ralph Recto na marami pang dapat ayusin sa panukala, gayunman, mabilis umano itong maipapasa sa kongreso.
"Puwede naman ayusin yan, siguraduhin na magastos ng tama, maglagay ng transparency provisions at siguraduhin na yung iinvest niyan at dito sa Pilipinas halimbawa bagong airport, bagong highway, na alam niyo pag ginamit ninyo, babalil sa inyo sa pension ninyo, so yun ang maaari naying gawin sa Maharlika fund," aniya.
"Mabilis sa kongreso susubukan natin ayusin, kung kulang pa senado ang mag-aayos," dagdag ni Recto.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…