TV, fans ipinamahagi sa mga paaralan sa Navotas

Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas
ng 335 smart TV at 169 ceiling fans sa 12 public elementary at high school.
Nakatanggap din ang Navotas Schools Division Office ng tatlong smart TV at ceiling fans para sa katatayo lamang ma Media Center at Conference Room.
Isang smart TV at tig-dalawang ceiling fans ang inilaan sa bawat silid-aralan ng bagong itinayong apat na palapag na mga gusali ng paaralan sa lungsod.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang Bangkulasi Elementary School, Kapitbahayan Elementary School, Navotas Central at Navotas 1 Elementary Schools, San Rafael Village Elementary School, San Roque Elementary School; Tangos Elementary School, at Tangos 1 Elementary School.
Kabilang sa mga sekondaryang mga paaralan na nakatanggap ang Tanza National High School, San Rafael Tech-Voc High School, San Roque National High School at Tangos National High School.
Noong Marso, pinasinayaan ng Navotas ang 11 bagong tayong 4-story school buildings.
Noong Setyembre, sinimulan ng lungsod ang pagtatayo ng siyam pang karagdagang school buildings.
